Country | |
Publisher | |
ISBN | 9786214720354 |
Format | PaperBack |
Language | Filipino |
Year of Publication | 2023 |
Bib. Info | 84p. |
Categories | Literature |
Product Weight | 100 gms. |
Shipping Charges(USD) |
Pinagpipilian kung sa isang bukal o sa isang bulaklak hinalaw ang pangalan ng Virac na Virac na sinasabing unang nagtala ng kaniyang kasaysayan noong 1755. Bagaman sinasabing nakarating na ang mga Europeo noon pang 1573. Ang pagdating mga misyonero at ng mga dayo ang tinuturing na simula ng opisyal na kasaysayan – araw ito ng pagkakatatag. Maaari pa kaya itong baguhin sa ngalan ng muling pagtatatag ng isang bagong imahinaryo para sa bayan? Maaari kayang sa halip na pagdating ng Kristiyanismo, higit nating kilalanin ang isla sa pamamagita ng arkeyolihiya? Hindi kaya ito ang ibig sabihin ng bukal bilang pinagmulan ng pangalan ng bayan? Hindi kaya ito ang bulaklak na hindi na rin matukoy kung ano uri ang higit nating kailangang saliksikin upang sa halip na sa mga numero tayo ng mga datos nakatuon, mas higit nating kilalanin ang anyo ng lupa, ng tubing, ng hangin, at ng mga unang anyo ng buhay na dumating at sumapit sa bayan ng Virac o sa buong isla ng Catanduanes? Totoo, nananatiling naririyan at katanggap-tanggap na lamang ang mga datos sa mga datu, sina Lumibao at Dumagui, na sinasabing mula sa ibang kaharian na napadpad patungo sa kasalukuyang bayan. Tulad ng isda o ng mga kampon ng mga isdang minsang sinugod ang isang bayan na di umano’y pumatay sa isang prayle at kaya bilang parusa ng langit tinubuan ng matutulis na bibig ang isda na siyang umatake sa isang bayan dito sa Catanduanes. Hindi kaya ang isdang ito ang nasa selyo ng Virac? Mga isdang kinaluana’y magsasaanyo bilang mga morong magpapabalik sa pagsalakay sa mga Kristiyanong komunidad na siyang pagmumulan ng mga kuwento ng pagligtas at kabayanihan, ng mga pagsuko at panlulupig na magiging mga mananakop na rin (Kastila, Amerika, Hapon) at kinalauna’y maghuhunos rin bilang ang mga bayong dumadalaw binibinyagan ng mga pangalang tulad ng Birheng Maria, ang Inmakulada Concepcion, ang bukod na pinagpala, ang mahiwagang bukal, ang malauyay na bulaklak na pinipintuho sa lupa man o sa nakapaligid na dagat kung saan makikita ring tumubo ang isang tumpok ng lupa, na kasalukuyang tinataguriang dakilang titi ng higanteng si Kulakog.