Country | |
Publisher | |
ISBN | 9786210900590 |
Format | PaperBack |
Language | Filipino |
Year of Publication | 2024 |
Bib. Info | xx, 144p. |
Categories | Literature |
Product Weight | 250 gms. |
Shipping Charges(USD) |
Bagaman kinikilala niyang produkto siya ng “institusyonalisadong aparato” sa pagsusulat, makikita sa haplit at hagod ng mga salita ni Pariente ang pagiging bukas. Bukas ang kaniyang utak, puso, kamalayan, at diwa, handang makinig sa mga tinig at pumasok sa lawas at lawak ng mga dimensiyong mula sa iba’t ibang daluyan. Sinimulan niya ang mga salaysay sa alay ng regla, sa kaniyang menarki, na ayon sa kaniya’y “dapat hayaan dumaloy gaya ng pagkamalikhain.” Isasama niya tayo sa mga daloy na iyan, mga Lola Ging na kaniyang kukuwentuhan. Magiging saksi tayo sa iskempot sa bus ng bakla, babae, at hasler; sa pinaghalo at pinagbalahong buhay sa Barangay Alitaptap; sa kakaibang misa sa Quiapo; at sa trahedya ng isang room for rent. Dadaan tayo sa madilim na espasyo ng paghingi ng hustisya laban sa isang lalaking mapandahas, sa multong tumatagos sa dingding, at sa iba pang mapagsamantalang anino. Kasabay nito’y ipalalasap niya sa atin ang pait ng isang bote ng beer ng isang buhay na hindi rom com, habang ihinihingang “hindi lahat ng binabalikan ay nababalikan kung paano ito iniwan.” Tatagos sa atin ang sakit ng breakup sex sa “malabong linya sa pagitan ng libog, lungkot, awa. Awa sa sarili.”