image description
# 833975
USD 20.00 (Book in Stock, will be dispatched ASAP)
- +

Paspas Mga Kuwentong Siyudad ni Vincent Jan Cruz Rubio(1980-2009)

Author :  Reagan Romero Maiquez, Hilda Posca Nartea and Kim Nepomuceno

Product Details

Country
Philippines
Publisher
The University of the Philippines Press,Quezon City, Philippines
ISBN 9789715429757
Format PaperBack
Language Filipino
Year of Publication 2022
Bib. Info xxiv, 130p.
Product Weight 300 gms.
Shipping Charges(USD)

Product Description

Paano kung gayon isusulat si Vincent Jan Cruz Rubio, o VJ sa mga kaibigan, kung ang kanyang istorya ay di pa tapos? Saka wala naman talagang natatapos na kuwento sa totoong buhay na hindi sinasalitan ng mga dapat at sana. Maikling panahon lang ang kanyang inilagi sa mundo pero masasabing ganap niyang tinamasa ang buhay. Ganoon pa man ay may iniwan siyang ambag sa atin, ang maikling koleksiyong ito ng kanyang mga naisulat. Si VJ, gusto lamang niyang maging manunulat. Iyon ang ekspresyon niya ng paghahanap ng kahulugan. Sa kanyang mundo ng imahinasyon, nagtatagumpay ang mga bida. Nabibigo ang masasama. Pinagtatawanan niya ang kahibangan ng power. Sinisikhayan niya ang ipinunlang pag-asa. May buhay siyang binubuo sa kanyang mga akda. Dito’y napipino niya ang magulong realidad ng kanyang lipunan. Kaya nga may artist ang lipunan, para may mag-ayos ng gulo sa kapaligiran. Sapagkat marahas ang totoong buhay, kailangan ng malikhaing imahinasyon, kailangan ng mga artist na magbibigay ng rhyme and reason, ng alternatibong pananaw sa kinagisnan. —Jun Cruz Reyes, PhD

Content Details

1. Short stories, Filipino. 2. Rubio, Vincent Jan Cruz ? Literary collections.

Product added to Cart
Copied